Sinimulan ni Dr. Jose
Rizal ang katagang "Kabataan ang pag-asa ng bayan" Ngunit hanggang
ngayon bay sila'y pag-asa pa rin?
Noong dumating ang
teknolohiya at napalago ito, halos lahat ng kabataan ay ginagamit ito sa maling
paraan. Imbis na nagmumuklat ng libro at gumagawa ng asignatura eh ayun
nagfafacebook, twitter, instagram at kung anu-ano pa. Minsa'y ginagamit pa ito
upang manood ng malalaswang palabas. Hindi na lapis o ballpen ang hawak kundi
mouse o cellphone na naglalaman ng video games. Hindi na naisip ang magulang na
nagpapaaral sa kanila. Wala nang saysay ang pag-aaral.
Kung titingnan natin, mas
matalino ang kabataan noon dahil walang internet noon na nakapagbibigay
impormasyon sa research ngunit sila'y nakakapasa. Nakakatulong naman ang
teknolohiya at internet upang mapabilis ang trabaho ng isang tao. Pero sana
gamitin sa tama. Kung napapansin natin, mas maraming alam ang kabataan ngayon
tungkol sa teknolohiya.
Isang problema din ay ang
bisyo, pang matanda lang to kaso sa panahon ngayon sila'y nacucurious at
sinusubukan ito. Hindi na naisip na ang katumbas ng isang yosi ay nababawasan
ng limang minuto ng buhay ng isang tao. Ito’y hindi nakakabuti sa halip ito’y
nakakamatay.
Sa murang edad may
mga kabataang pumapasok sa isang relasyon na kung saan nakakasira sa pag-aaral
at nabubuntis ng maaga. Maaaring hindi ka makahanap agad ng trabaho at iiwanan
ka ng tatay ng anak mo. Lalo na ngayon hindi na uso ang pag po at opo sa
magulang o sa mga nakakatanda. At pati na rin ang pagmano. Hindi ba natin kaya
ibigay ang kahilingan nilang respeto?
Ngunit bata pa tayo madami
pang pagkakataon sa buhay natin na pwedeng baguhin ang mga maling nagawa natin
noon.Dahil tanging medalya at diploma parin ang mag-aangat sa atin sa
kahirapan. Mahalin ang buhay,at magulang. Manalig tayo sa Panginoon.
Pag-asa parin ang kabataan!
-Nicole Faith C. Navarro