Huwebes, Agosto 27, 2015

Kabataan, pag-asa pa rin ba ng bayan?



Sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang katagang "Kabataan ang pag-asa ng bayan" Ngunit hanggang ngayon bay sila'y pag-asa pa rin?

Noong dumating ang teknolohiya at napalago ito, halos lahat ng kabataan ay ginagamit ito sa maling paraan. Imbis na nagmumuklat ng libro at gumagawa ng asignatura eh ayun nagfafacebook, twitter, instagram at kung anu-ano pa. Minsa'y ginagamit pa ito upang manood ng malalaswang palabas. Hindi na lapis o ballpen ang hawak kundi mouse o cellphone na naglalaman ng video games. Hindi na naisip ang magulang na nagpapaaral sa kanila. Wala nang saysay ang pag-aaral. 

Kung titingnan natin, mas matalino ang kabataan noon dahil walang internet noon na nakapagbibigay impormasyon sa research ngunit sila'y nakakapasa. Nakakatulong naman ang teknolohiya at internet upang mapabilis ang trabaho ng isang tao. Pero sana gamitin sa tama. Kung napapansin natin, mas maraming alam ang kabataan ngayon tungkol sa teknolohiya.

Isang problema din ay ang bisyo, pang matanda lang to kaso sa panahon ngayon sila'y nacucurious at sinusubukan ito. Hindi na naisip na ang katumbas ng isang yosi ay nababawasan ng limang minuto ng buhay ng isang tao. Ito’y hindi nakakabuti sa halip ito’y nakakamatay.

 Sa murang edad may mga kabataang pumapasok sa isang relasyon na kung saan nakakasira sa pag-aaral at nabubuntis ng maaga. Maaaring hindi ka makahanap agad ng trabaho at iiwanan ka ng tatay ng anak mo. Lalo na ngayon hindi na uso ang pag po at opo sa magulang o sa mga nakakatanda. At pati na rin ang pagmano. Hindi ba natin kaya ibigay ang kahilingan nilang respeto?

Ngunit bata pa tayo madami pang pagkakataon sa buhay natin na pwedeng baguhin ang mga maling nagawa natin noon.Dahil tanging medalya at diploma parin ang mag-aangat sa atin sa kahirapan. Mahalin ang buhay,at magulang. Manalig tayo sa Panginoon.

Pag-asa parin ang kabataan!

-Nicole Faith C. Navarro